Home » Sports » Dewey Boulevard wins

Dewey Boulevard wins

NO stakes race this weekend at San Lazaro pero ang 10 wall balanced Races na inihanda nila this Saturday ay sapat upang malubos ang ating kasiyahan sa ating pagdedebersyon.

May two sets tayo ngayon ng popular na Winner-Take-All, ganitong bilang din ng Pick-5 at 1 set each naman ng Pick-6 at Pick-4 events. Races start 2:30 pm.

Sa paglipat ng mga karera sa isang Linggo, gaganapin na ang P2.8Million peso silver Champ Philippine Racing Club.

Magpapanagupa dito upang makamit ang top prize of P2.5 Million ay ang Tan Goal, Gentle Strength, Low Profile, Dixie Gold, Messi, Superv, at Kanlaon.

Itatakbo sa makapatid hiningang distansyang 2,000 meters or 1 1/4, miles , ang second to the fourth placers dito ay tatanggap ng P700,000, P350,000 at P250,000, respectively.

Abangan!

Samantala, ang WTA double carry over amount of P1,217,495.13 ay nakuha na kahapon sa Metro Turf at ang mga nagsitama dito ay nagkamit ng premyong P19,830.20each.

Ang Pick-6 event naman dito covering Races 3 to 8 ay nagkamit ng P19,339.60. Ang 1st Pick-5 (1-5) at 2nd Pick-5 ay may premyong P6,282.80 at P520,00, respectively.

Nagsipanalo rito from Races 1 to 8 ayon sa pagkakasunud-sunod, ay ang Victory Boots, Milady’s Luck, Five Star, Alpha Alleanza, Candy Crush, Papa Loves Mambo, Tellmamailbelate, at Role Model or combinations 1-6-6-6-8-3-2-11

Samantala, ang Philracom “2nd Leg Triple Crown stakes race last Saturday at Metro Turf ay pinagwagihang ng nadehado pang Dewey Boulevard upang makamit ang top prize of P1.8 Million.

So there…. Good Luck and see you guys at our usual Samson’s Billiard OTB at Saint Joseph and/or at Obel dela Paz Momay’s Carinderia OTB at Marick, Cainta.s (Johnny Decena)

comments