Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Money changer pinatay, ninakawan ng P2.9 M

Money changer pinatay, ninakawan ng P2.9 M

BAGUIO CITY – Tinutugis ng mga pulis ang lalaking pumatay sa isang money changer at nagnakaw ng R2.9 milyon halaga ng pera sa tapat mismo ng bahay ng biktima noong Miyerkules ng hapon.

Ayon sa police, namatay si Larry Oliva Haya, Sr., 65, money changer, nakatira sa Maharlika building, matapos siyang barilin sa dibdib ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin.

Sugatan din ang nakatatandang kapatid ng biktima na si Randolph Oliva Haya, Sr., 67. Kasalukuyang siyang nagpapagaling sa isang ospital.

Base sa imbestigasyon, nasa tapat na ng gate ng kanyang bahay si Haya sa Bakakeng Norte bandang 5:40 p.m. nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki at barilin siya sa dibdib.

Hinablot ng mga salarin ang sling bag ng biktima na naglalaman ng US$50,000 (P2,330,000);10,000.Malaysian ringgit (P112,000); 1,150.00 Pounds (P76, 475);1,900.00 Euros (P99,370), at P320,000.

Napalabas ng bahay ang kapatid ng biktima na si Randolph nang marinig ang putok, ngunit maging siya ay binaril ng mga kawatan sa baywang. (Zaldy Comanda)

comments