Home » Entertainment » ElNella hoping to be counted among ranking love teams

ElNella hoping to be counted among ranking love teams

Janella and Elmo

HANDA raw sina Elmo Magalona at Janella Salvador na tanggapin ang hamon na mapahanay ang love team nilang ElNella sa mga sikat na Kapamilya love teams na kinabibilangan ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), JaDine (James Reid at Nadine Lustre), at LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil).

“Yes, why not?” sabi ni Elmo.

Dagdag pa ni Janella, “Of course, we’re hoping naman. Ganun kalaki ’yung hope namin for that.”

Gayunpaman, hindi naman daw ibig sabihin nito na makikipagkumpitensiya na sila sa ibang love teams. “Pero we’re not trying to compete naman with them,” paglilinaw ni Janella.

Masaya lang sina Elmo at Janella sa magagandang feedback gayun din sa mainit na pagtanggap ng mga tao sa love team nila, na ilu-launch sa bagong ABS-CBN teleseryeng “Born for You.”

“It’s really unexpected. Masaya po kami na ’yung feedback ng mga tao ay kinikilig sila at natutuwa sila sa team-up namin ni Janella. Alam ko na pag nakita nila, hindi sila madi-disappoint sa makikita nila sa ‘Born for You’,” ani Elmo.

Ayon pa kay Janella, “It’s so overwhelming for me. Natutuwa rin ako na ang dami ng sumusuporta (sa tandem namin).

May nakikita na rin kaming nagsu-support sa show kahit hindi pa nag-e-air. So, I’m so happy with everything.”

Kahit na nga raw bukas sa kaalaman ng publiko na may girlfriend sa totoong buhay si Elmo sa katauhan ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez ay marami pa rin ang nae-excite sa ElNella. Natanong tuloy namin si Janella kung hindi ba siya nag-aalala na maapektuhan ang love team nila ni Elmo sa mga posibleng intrigang dumating in the future na may kaugnayan sa pagkakaroon ng girlfriend ng kanyang leading man?

“Ako, hindi naman. I don’t think it will get in the way naman. Kasi we’re just enjoying what we’re doing talaga, ’yung work namin. And so far, effective naman I think ’yung team-up namin. So, just enjoy,” positibong sabi ni Janella.

Mula sa produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang “Born for You” ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Dolce Amore” sa ABS-CBN Primetime Bida simula sa June 20. (GLEN SIBONGA)

comments