Home » Entertainment » Timing » Vic and Pauleen move to new house

Vic and Pauleen move to new house

MASASABING isa sa mga pinakamapalad na showbiz father ay si Vic Sotto. Kahit magkakaiba ang nanay ng apat niyang anak na sina Danica, Oyo, Vico at Paulina ay lumaking magkakasundo, mapagmahal at marespeto ang mga ito. Walang nalihis ng landas at may kani-kanilang magagandang buhay.

“Mas masaya, mas nararamdaman ko ngayon ang kanilang (mga anak) pagmamahal sa akin. Wala na akong mahihiling pa para sa sarili ko. Kung ano ang dumating, tanggap ko. Ang hiling ko lang ay para sa mga anak ko. Magandang buhay para sa kanila at sa mga karelasyon nila,” pahayag ni Vic sa presscon ng “Hay, Bahay!”

Ayon sa anak niyang si Oyo na kasama sa cast ng HB, since nag-asawang muli ang kanyang daddy, nakikita nilang magkakapatid na kuntento at masayang-masaya ito sa buhay. “Andito lang kami parati para kay daddy,” saad ni Oyo na isa na ring ama sa tatlong anak nila ng asawang si Kristine Hermosa. She’s four months pregnant sa fourth child nila.

Kasama rin si Kristine sa HB at gaganap sila ni Oyo bilang mag-asawa. This Sunday na ang pilot telecast ng HB pagkatapos ng “24 Oras Weekend” sa GMA7.

Nakalipat na

Nakalipat na sina Vic Sotto at Pauleen Luna sa bago nilang house sa isang exclusive village sa Laguna. Apat ang bedrooms na Modern/Asian ang yari ng kanilang bahay.

Almost a year din ang construction nito, kaya medyo natagalan ang paglipat ng Sotto couple sa kanilang lovenest. Ani Vic, mabusisi ’yung finishing touches.

Si Pauleen ang personal na nag-asikaso sa kanilang paglilipat, kaya ilang araw rin siyang absent sa “Eat Bulaga.”

Wifey na wifey ang dating ni Pauleen na siya ang naglinis at nag-ayos ng kanilang bahay.

Ideal father

Masasabing ideal father si Michael V. Aniya, lahat ng ginagawa niya’y para sa kanyang pamilya. Monday to Saturday, nagtatrabaho siya. “Puyatin, pagurin n’yo ako, ipagawa n’yong lahat sa akin. Pero huwag n’yo lang ako pagtatrabahuhin ng Sunday. Para ‘yun sa pamilya ko,” ani Michael.

Kaya naman ngayong Father’s Day, for sure kasama niyang magse-celebrate ang kanyang pamilya.

And take note, every year ay nagbabakasyon abroad ang pamilya ni Michael. Kung saan-saang bansa na sila nakarating.

Ayon kay Michael, nakuha niya ang ideya kay Joey de Leon na TIT (trabaho, ipon, travel) abroad. Oo nga naman!

Phil. Independence Day celebration

Pinasaya nina Tom Rodriguez at Betong Sumaya ang celebration kahapon (June 18) ng Philippine Independence Day ng mga Pinoy na naninirahan sa Toronto, Canada. Nag-perform sila para sa GMA Pinoy TV Fiesta and Trade Show.

Ayon kay Tom, ramdam niya ang pagiging homesick ng mga kababayan niya abroad, kaya naman naghandog sila ni Betong ng show para kahit papaano’y nabigyan nila ng kasiyahan ang mga ito.

Si Betong ay suki na ng GMA Pinoy TV at nakapag-show na siya sa Dubai, Dammam, Vancouver, Anaheim at New York City.

* * *

Happy Father’s Day sa lahat ng daddy, dad, papa, popsie, tatay, itay, ama, amang, out there! Smile! Cheers!

comments