Home » News » News Roundup » Pusher utas sa Caloocan

Pusher utas sa Caloocan

Patay ang isang hinihinalang drug pusher pagkatapos pagbabarilin sa Caloocan City noong Linggo. Kinilala ang biktima na si Lorna Derpo, 44.

Ayon sa imbestigasyon, nakaupo ang biktima sa harap ng isang tindahan sa Barangay Bagong Silang nang dumating ang dalawang lalaking sakay ng itim na motorsiklo na walang plaka at nakasuot ng helmet.

Bumunot ng baril ang mga suspek at binaril ang biktima ng dalawang beses sa ulo na kaagad niyang ikinamatay. Sinabi ng mga residente na isang tulak ng droga ang biktima sa kanilang lugar. (Jel Santos)

comments