Home » News » News Roundup » 10 tiklo sa droga

10 tiklo sa droga

Timbog ang sampung katao habang nasa kalagitnaan ng pot session Lunes ng gabi sa Navotas City. Kinilala ni Navotas Police chief Sr. Supt. Dante Novicio ang mga nadakip na sina Nora Corpuz, 39; Jonathan Sentilles, 29; Clemente Pamilyaran, 25; Franne Deles, 27; Genalyn Diaz, 30; Venice Diaz, 22; Wildon Gaspar, 29; Melissa Delfin, 41; Mary Grace Lipasan, 29; at Jocelyn Gonzales, 35.

Ang mga nadakip ay residente ng Barangay San Jose, Navotas. Hinala din ng pulisya na sina Delfin, Lipasan at Gonzales ay mga drug pushers sa iba’t-ibang barangay sa naturang siyudad. Base sa imbestigasyon, nagtayo ng shanty ang grupo sa isang alanganing lugar sa Navotas Public Cemetery kung saan nagpupunta ang mga ito sa gabi habang wala nang tao ang dumadalaw sa nasabing sementeryo.

Sinubukan pa umano ni Gaspar na manlaban gamit ang isang baril na agad naman na naagaw ng mga pulis. Nakuha sa grupo ang pitong sachet ng shabu, isang paltik at ilan pang mga drug paraphernalia. Kasalukuyang nakapiit ang mga suspek sa Navotas Police headquarters detention cell habang naghihintay na masampahan ng kaukulang kaso. (Jel Santos)

comments