Home » Sports » Centeno kampeon sa 9-ball

Centeno kampeon sa 9-ball

Nakopo ni Chezka Centeno ang unang internasyonal title nang gapiin ang beterano at world champion na si Kelly Fisher ng Great Britain, 11-8, sa Amway eSpring International 9-ball Championship kamakailan sa Banqiao Gymnasium sa New Taipei City.

Hindi nataranta kundi nagpakatatag ang 16-anyos na si Centeno laban sa mas bihasang karibal at sa kabila ng paghahabol sa 1-5 iskor sa kanilang race-to-11 titular duel.

Huling naghabol sa iskor na 7-8 ang dalagita bago nito sinamantala ang pagkakataon sa ika-16th rack upang itabla ang laban at walisin ang huling tatlong laro.

“I’m very happy to win my first championship in a world ranking tournament,” pahayag ni Centeno, produkto ng Philippine Sports Commission PNG.

Ang korona ay maagang regalo sa kaarawan ni Centeno na magdiriwang ng kanyang ika-17 taon sa Hunyo 30.

Unang nagawa ng 2015 Southeast Asian Games at World junior 9-ball champion na manguna sa Group B at ipagpatuloy ang kanyang pagwawagi sa knockout stage. (Angie Oredo)

comments