Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Bahay kapalit ng pagmamahal

Bahay kapalit ng pagmamahal

Aljur Abrenica

BASTA para sa kanyang pamilya, walang hindi gagawin si Aljur Abrenica. Aniya, alam niyang maaasahan parati ang kanyang pamilya kahit ano’ng mangyari sa kanya. Supportive ever ang mga magulang at mga kapatid niya sa anumang ginagawa niya.

Bilang ganti ng Kapuso hunk sa pagmamahal at suporta sa kanya ng pamilya niya, ibinili niya ng bahay ang mga ito.

Total renovation ang ginawa roon at ni Aljur, naging mabusisi ang pagpapaayos ng kanyang dream house. Aniya, ilang gabing hindi siya nakatulog dahil sa kaiisip ng design. Hands-on siya dahil gusto niyang iakma sa kanyang personalidad ang structure ng house. “Pagpumunta kayo sa bahay, mas lalo n’yo akong makikilala,” saad ni Aljur.

Samantala, mamaya sa “Once Again,” balik-Pilipinas na si JV (Jeric Gonzales). Hindi mahihirapang magpaliwanag si Aldrin (Aljur) kay JV. Sisisihin pa nito si Celeste (Thea Tolentino). Sasabihin pa ni Aldrin kay JV ang ginawang pananakit sa kanya ni Lukas (Joko Diaz).

Mawiwindang si Des (Janine Gutierrez) sa malalaman niyang si Agnes (Sheryl Cruz) ang tunay niyang ina. Magugulo ang isip niya.

Surprise visit

Isang magandang karanasan sa cast ng requel ng “Encantadia” ang sorpresang pagdalaw sa taping ng “Game of Thrones” actor na si Conan Stevens. Hindi nila akalaing mag-e-effort ang Hollywood actor na dalawin ang set ng “Encantadia.”

Hindi pinalampas ni Rocco Nacino makipagkuwentuhan kay Conan kahit saglit lang. Aniya, humingi siya ng tips tungkol sa medieval fighting. Nagpalitan pa sila ng mga karanasan on fighting.

“He (Conan) is very warm and accommodating to share his knowledge. He is really a nice guy,” sambit ni Rocco.

Tuluy-tuloy pa rin ang training ng cast ng “Encantadia” kahit nagte-taping na sila. Soon ay mapapanood na ito sa GMA Telebabad. Pinangungunahan ito nina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez bilang mga bagong sang’gre. Tampok din sina Ruru Madrid, Pancho Magno, Christian Bautista, John Arcilla, Carlo Gonzales, atbp.
Baby boy

Baby boy ang isisilang ni Michela Cazzola, live-in partner ni James Yap na ex-husband ni Kris Aquino. Michael James ang ipapangalan nila sa kanilang panganay. Kamakailan ay ginanap ang baby shower sa isang kilalang restaurant sa The Fort, Global City.

Gusto sana ni Michela na James, Jr. ang name. Kaya lang, James, Jr. na ang pangalan ng anak ni James sa ex-wife niyang si Kris Aquino na si Bimby.

Pangatlong anak na ito ni James na magkakaiba ang nanay. Ang panganay niya’y non-showbiz ang mother. Pangalawa si Bimby kay Kris.

Nagbabakasyon grande pa abroad ang mag-iinang Kris, Joshua at Bimby na balita namin ay next month (July) pa ang balik sa Pilipinas. Inaabangan ang pahayag ni Kris sa magiging half-sibling ni Bimby sa kanyang papa James. Ano naman kaya ang reaction ni Bimby na magkakaroon na siya ng baby brother?

TV version

Magkakaroon ng TV version ang pelikulang “Sinungaling Mong Puso” na pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Gabby Concepcion, Aga Muhlach at Aiko Melendez. Ipinalabas ito noong 1990.

Nag-story conference na ang cast na bubuo sa remake ng naturang movie. Sa TV version ng SMP, pangungunahan ito nina Rhian Ramos at Rafael Rosell. Tampok din sina Kiko Estrada, Jazz Ocampo, Glydel Mercado, Cheska Diaz, Gab de Leon, Michael de Mesa, JC Tiuseco, Sherilyn Reyes, among others.

Si Ricky Davao ang director ng SMP na mapapanood sa GMA Afternoon Prime.

comments