Home » Entertainment » What Emo, Janella promise each other

What Emo, Janella promise each other

23elmo and janella copy

NAGPAHAYAG ng pangako at nakakakilig na mensahe sa isa’t isa ang mga bida ng ABS-CBN primetime teleseryeng “Born for You” na sina Elmo Magalona at Janella Salvador.

“Janella, I just wanna say alam ko yung super pinaghirapan natin and I just want you to know that I’m here for you.

Nandito ako until the end, so I hope you’re here with me until the end. Thank you for all the memories that you give me,” sabi ni Elmo nang mag-guest sila ni Janella sa ABS-CBN morning talk show “Magandang Buhay.”

Ayon naman kay Janella, “Elmo, I just want you to know na I enjoy every moment that I spend with you. We haven’t even known each other for one year yet, but I can’t wait to get to know you even more. Thank you for making me feel that I have somebody there talaga for me. Even when I’m down, kahit sobrang bago palang nating magkakilala, napa-feel mo na sa akin na I can trust you.”

Nagpaabot din ng pasasalamat ang ElNella love team sa mga sumusuporta sa kanilang tambalan gayun din sa mga tumatangkilik sa “Born for You.” (GLEN P. SIBONGA)

comments