Home » News » News Roundup » 4 katao tinodas sa QC

4 katao tinodas sa QC

Apat na katao ang patay sa dalawang magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Quezon City noong Huwebes. Kinilala ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit ang mga biktima na sina Richard Elcarte, John Saver Pinlac, Michael Mejica, at Arturo Saura.

Ayon kay Senior Insp. Elmer Monsalve, hepe ng QCPD-CIDU Homicide Section, binaril sina Elcarte at Pinlac sa isang covered court sa Phase 1, Barangay Payatas habang nakikipaginuman sa lamay ng kanilang kaibigan.

Namatay naman sina Mejica at Saura sa Pacamara St., Barangay Commonwealth. Nagbabantay ang isang residente ng makarinig siya ng mga putok ng baril sa labas.

Lumabas ang residente at nakita niya ang mga biktima na nakahandusay sa kalye. (Francis T. Wakefield)

comments