Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lady drug pusher timbog

Lady drug pusher timbog

CAMP OLIVAS, Pampanga – Arestado ang isang babaeng umano’y sangkot sa pagbebenta ng shabu sa isang buy-bust operation na isinagawa ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 (PDEA-3) sa Barangay Pambuan, Gapan, Nueva Ecija, Miyerkules ng hapon.

Ayon kay PDEA Director General Arturo G. Cacdac Jr., dinakip ng PDEA operatives ang suspek na si Michelle G. Lorida, 23, residente ng Barangay Pambuan, Gapan, matapos na makapagbenta siya ng 50 gramo ng shabu sa isang poseur-buyer sa halagang P150,000 bandang 1:27 p.m.

Sinabi ni Emerson L. Margate, PDEA3 director, na nakumpiska sa babae ang isang transparent sachet na may lamang shabu at ang buy-bust money na ginamit sa patibong para siya ay mahuli.

Nakakulong ngayon si Lorita sa DEA jail facility ng Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga. Inihahanda na ng pulisya ang pagasasampa ng kaso laban sa dalawang suspek. (Franco G. Regala)

comments