Home » News » News Roundup » Ex-convict todas sa Pasay

Ex-convict todas sa Pasay

Todas ang isang ex-convict at miyembro ng Batang City Jail nang manlaban sa mga pulis sa Pasay City kahapon. Kinilala ni Senior Supt. Joel Doria, hepe ng Pasay police, ang suspek na si Allan Barata, 23, residente ng E. Rodriguez St., Barangay 158, Malibay, Pasay.

Ayon sa imbestigasyon, sinita ng mga pulis si Barata, isang kilabot na holdaper, na may kasamang lalaki dahil sa kahinahinala nilang kilos habang sakay ng kani-kanilang bisikleta sa S. de Guzman St., Malibay.

Tumakas ang mga suspek at hinabol sila ng mga pulis. Nakorner si Barata samantalang nakatakas ang kanyang kasama. Bumunot ng patalim at baril at tinangkang manlaban sa mga pulis ang suspek.

Sinubukang agawin ng isang pulis ang baril at umalingawngaw ang mga putok habang nagaagawan ang dalawa. Nagtamo ng tama ng bala sa katawan ang suspek na agad nitong ikinamatay.

Dinala ang bangkay ng suspek sa Veronica Funeral Homes sa Pasay upang suriin. (Martin A. Sadongdong)

comments