Home » News » News Roundup » Iranian natagpuang patay

Iranian natagpuang patay

Natagpuang patay ang isang Iranian sa Sampaloc, Manila kahapon. Kinilala ng Manila Police District ang biktima na si Iman Mokarami, 32, dentistry student ng Manila Central University sa Caloocan City.

Nakaluhod ang biktima ng ito ay matagpuang patay sa loob ng kanyang apartment sa Sulucan St. Huling nakitang buhay ang biktima ni Rick Millas, apartment maintenance personnel, ng madaling araw habang magisang umiinom ng alak.

Sinabi ni PO2 Dennis Turla, may hawak ng kaso, na nakatira ang biktima sa apartment simula noong Enero ng taong ito. Dinala ang bangkay ng biktima sa isang funeral parlor upang suriin. (Jenny F. Manongdo)

comments