Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Barangay chief dedo sa ambush

Barangay chief dedo sa ambush

TUGUEGARAO CITY, Cagayan – Masusing sinisiyasat ng pulisya ang pagkakapaslang sa isang barangay chairman sa Barangay Balzain East, Tuguegarao City, Cagayan, nitong Sabado.

Ayon kay Superintenden Jessie Tamayao, Tuguegarao City police chief, pinaulanan ng bala ng hindi kilalang kalalakihan si Macmac Pagulayan, chairman ng Balzain East, Tuguegaro City, Cagayan, habang siya’y sakay ng kaniyang kotse.

Namatay noon din si Pagulayan habang malubhang nasugatan naman ang kanyang asawa na si Jonella Kaye Pagulayan at ang kanilang helper na si Daryll Tumaneng. Kasalukuyang naka-confine sina Jonella at Tumaneng sa isang ospital.
(Freddie G. Lazaro)

comments