Home » News » News Roundup » Call center agent arestado

Call center agent arestado

Arestado ang isang call center agent na hindi umano nakapagbayad sa isang motel sa Pasay City noong Linggo.

Kinilala ang suspek na si Eugene Padilla, 42, may asawa at residente ng Makati City. Ayon sa imbestigasyon ng Pasay police, pumasok si Padilla sa motel kasama ang isang babae at siningil pagkatapos ng 12 oras na pamamalagi.

Pero sinabi ng suspek ng wala siyang pambayad ng kanyang bill na umabot ng R1,540 dahil ninakaw ng kasama niyang babae.

Dahil dito, dinala ng captain room boy ng motel ang suspek sa mga pulis. Kinasuhan ang suspect ng estafa.
(Martin A. Sadongdong)

comments