Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Tulak ng droga itinumba

Tulak ng droga itinumba

CANDELARIA, Quezon – Isa na namang hinihinalang drug pusher ang itinumba ng hindi kilalang lalaki nitong Linggo ng gabi sa Barangay Malabanban Sur ng bayang ito.

Ayon sa police report, nakatayo sa harapan ng isang bakery ang biktimang si Argel Galleon Hombre, 32, tricycle driver, ng Sitio Tondo, Brgy. Sta Catalina Norte, nang lumitaw ang gunman at pagbabarilin siya nang malapitan bandang 7:05 p.m..

Namatay noon din ang biktima dahil sa dami ng balang tumama sa kanyang katawan.

Mabilis na tumalilis ang salarin sakay ng motorsiklong walang plaka na minamaneho ng isa pang lalaki.

Sinabi ng police na sangkot ang biktima sa illegal drug activities at inirereklamo na rin ng kanyang mga kapitbahay dahil sa kanyang masamang gawain.

Ayon sa police records, ang biktima ay kasamahan ng isang Roberto Ornoza Adapon na inaresto ng Candelaria police noong Agosto 31, 2015 dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Danny J. Estacio)

comments