Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 5 katao arestado sa drug raid

5 katao arestado sa drug raid

LEGAZPI CITY, Albay ― Arestado ang limang hinihinalang drug pushers sa buy-bust operation na isinagawa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ligao City Police sa isa umanong drug den sa Purok 3, Barangay Tuburan, Ligao City, noong Linggo.

Kinilala ni PDEA Bicol regional director Jeoffrey Tacio ang mga nadakip na sina Alexander Quitan, alyas Rocky, may-ari ng drug den; Carlos Mustera, Erwin Reonal, Rene Racadag, at Charlou Milo.

Nakatakas naman ang isang nagngangalang Jerome Bulacan, alyas Tattoo, trabahador ng drug den. Nakumpiska sa mga suspek ang 16 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 52 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P260,000; marked money na ginamit ng mga operatiba, at drug paraphernalia.

Nakakulong ngayon ang mga suspek sa PDEA Bicol custodial facility at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). (Niño N. Luces)

comments