Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Baron-Kiko upakan bitin

Baron-Kiko upakan bitin

Untitled-3 copy

HINDI ini-expect ni Beauty Gonzales na makakabalik pa siya sa showbiz matapos siyang manganak sa lovechild nila ng non-showbiz boyfriend niya.

Ang ganda ng takbo ng kanyang career at kasama siya sa isang teleserye noon ng ABS-CBN na kasisimula pa lamang. Pero nabuntis siya, kaya tinanggal siya sa cast. No regrets naman si Beauty sa nangyari sa kanya dahil aniya, blessing ang baby at hindi maipaliwanag na kaligayahan ang nararamdaman niya ngayong isa na siyang certified mother.

Naging emotional si Beauty noong presscon ng “The Achy Breaky Hearts.” Aniya, sobrang thankful siya sa Star Cinema na binigyan siya ng pagkakataong makabalik sa showbiz. Pansin ng press, parang hindi siya nanganak dahil beauty pa rin ang porma ng kanyang katawan.

Ngayong Miyerkules ang opening day ng “The Achy Breaky Hearts” sa mga sinehan nationwide. Lead stars sina Jodi Sta. Maria, Ian Veneracion at Richard Yap.

Bitin

Nanood si Rocco Nacino ng URCC fight nina Baron Geisler at Kiko Matos na ginanap sa Valkyrie Club noong nakaraang Sabado (June 25). Ani Rocco, bitin ang upakan nina Baron at Kiko. Sana raw, pinatagal pa nang kaunti ang bakbakan ng dalawa.

Isa ring MMA (Mixed Martial Arts) fighter si Rocco at nagdyo-join din siya sa mga competition. Dumadayo pa siya sa ibang bansa.

Sa isang radio interview (“Wow, It’s Showbiz”) kay Baron Geisler, sinabi niyang okey na sila ni Kiko Matos matapos ang kanilang cage fight. Lumaki ang respeto niya kay Kiko at may natutunan siya sa naganap na labanan nila. Ani Baron, natuto siyang magpakumbaba. Nawala ang ego at yabang niya.

Wala na raw siyang galit kay Kiko at puring-puri pa niya ang indie actor. “He is a good guy. Matalino at madiskarte siya,” ani Baron. “Gusto kong magkaroon siya ng magandang buhay. He has a good heart. Ang payo ko lang, huwag lalaki ang ulo niya. Huwag siyang masisilaw sa mga proyekto. Gusto kong magtulungan kami para sa mga political prisoner.”

Ano naman kaya ang reaction ni Kiko? Purihin din kaya niya si Baron? Ano ’yun? Matapos magbakbakan, purihan naman sa isa’t isa?

Ayon pa kay Baron, walang rematch na magaganap sa kanila ni Kiko kahit nabitin ang mga nanood sa kanilang bakbakan.

Ginamit lang?

Kung hindi sana nag-break sina Jodi Sta. Maria at Cavite Vice Governor Jolo Revilla, for sure, present ang aktres sa oath-taking ni Jolo bilang re-elected VG.

Matatandaang noong unang nahalal si Jolo bilang VG ay ’andu’n si Jodi bilang suporta. Parang miyembro na ng pamilya Revilla si Jodi at marami ang nag-akalang hahantong sa kasalan ang relasyon nila ni Jolo.

How sad na iba na ang scenario sa second term ni Jolo bilang VG ng Cavite. Walang Jodi Sta. Maria noong nanumpa siya.

Nadagdag pa sa kalungkutan ni VG Jolo na wala rin ang kanyang daddy (Senator Bong Revilla) para saksihan ang kanyang panunumpa.

Sa pag-amin pala ni Jodi na wala na sila ni VG Jolo, may mga nag-isip na ginamit lang niya ang huli para sa promotion ng kanyang movie,” The Achy Breaky Hearts.” Hindi naman siguro gano’n ang intensiyon ni Jodi. Isipin nalang natin na nagkataong may ipapalabas siyang pelikula. Nagpakatotoo lang si Jodi nang tanungin siya ni Boy Abunda kung sila pa ba ni VG Jolo?

Ang maganda sa hiwalayan nina Jodi at VG Jolo, hindi sila nagsisiraan at pareho silang tahimik. Walang detalye sa kanilang break-up. Pinadalhan pa ni VG Jolo ng cake si Jodi nitong nakaraang birthday ng aktres. Just curious, binati naman kaya ni Jodi ang kanyang ex-boyfriend noong oath-taking nito?

Tatay na, nanay pa

Isa na namang makabuluhan at interesting topic ang pag-uusapan sa “Yan ang Morning.” Guests sina Joel Cruz at Bea Binene. Ibabahagi ng Lord of Scents at businessman na si Joel kung paano siya naging tatay at nanay ng kambal niyang mga anak. Kasama pa niya ang mga ito sa talk show ni Marian Rivera.

Sasamahan naman ni Bea si Marian sa isang lutuang nababagay hindi lamang sa mga kambal kundi sa lahat ng bagets.

Tutok lang sa YAM at 9:30 a.m. sa GMA7.

comments