Home » News » Headlines » May pasok, hindi holiday ngayon

May pasok, hindi holiday ngayon

May pasok at hindi holiday nga-yon, araw ng pasinaya ni President-elect Rodrigo R. Duterte, ayon sa Malacañang kahapon.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na ngayon ay isang regular working day.

“As per the text message I received from Executive Secretary (Paquito) Ochoa at 12:10 p.m. today: June 30, 2016 is a regular working day,” sinabi ni Coloma.

Ayon kay Coloma, magkakaroon ng meeting sina Pangulong Aquino at Duterte bago ang pasinaya at bibigyan ng departure honors si Aquino ng Armed Forces of the Philippines sa Malacañang pagkatapos. Didiresto si Aquino sa kanyang bahay sa Times St.

Idineklarang special non-working holiday ang araw na nanumpa si Aquino noong Hunyo 30, 2010 sa pamamagitan ng Proclamation No. 2085 na pinirmahan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria M. Arroyo noong Hunyo 17, 2010. (Madel S. Namit)

comments