Home » News » News Roundup » May utang sinaksak

May utang sinaksak

Sugatan ang isang 33 taong gulang na tindero ng siya ay saksakin pagkatapos mabigong magbayad ng utang sa Tondo, Manila noong Martes.

Ayon kay PO3 Tom Jay P. Fallar, may hawak ng kaso, nagtagpo ang biktima na si Sherwin Gorespe, residente ng Barangay 1 Zone 1, Tondo, at suspek na nakilala lamang sa pangalang “Lakay” sa kanto ng Ilaya at Padre Rada Sts. at siningil ang biktima ng kanyang utang na P680.

Hindi nakapagbayad ang biktima dahil wala pa siyang pera at nagalit ang suspek. Nagkaroon ng alitan ang dalawa at bumunot ng patalim ang suspek at sinaksak ang biktima sa leeg.

Tumakas ang suspek at dinala si Gorespe sa ospital. Iniulat ng mga saksi ang insidente sa mga pulis pagkatapos dalhin ang biktima sa ospital at pinaghahanap na ang suspek. (Analou de Vera)

comments