Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pusher timbog sa drug

Pusher timbog sa drug

BUTUAN CITY – Dinakip ng mga pulis ang isang hinihinalang drug pusher nang makumpiska sa kanya ang 30 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P350,000 sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Cabadbaran City Police Station (CCPS) sa oras na 8:45 p.m. noong Lunes sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.

Kinilala ng pulisya ang inarestong suspek na si Daniel Salcedo, nakatira sa Butuan City. Nakuha sa kanya ang P3,000 cash at ang marked money na ginamit was entrapment operation, ayon sa report ng CCPS.

Kasalukuyan siyang nakakulong sa CCPS detention center. (Mike U. Crismundo)

comments