Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 117 users, pushers sumuko

117 users, pushers sumuko

KIDAPAWAN CITY – Sumuko ang 117 users at pushers ng bawal na droga sa iba’t ibang police stations sa North Cotabato.

Ayon sa police, 78 ang sumuko sa President Roxas municipal police station, 24 sa Kabacan, anim sa Kidapawan City, at siyam sa M’lang.

Sinabi ni Senior Supt. Emmanuel Peralta, bagong talagang provincial director ng Cotabato Police Provincial Office (CPPO), na nagsimula ang kampanya laban sa droga noong nakaraang Sabado.

Inatasan ni Peralta ang lahat ng police stations sa buong lalawigan na hikayatin ang mga hinihinalang pushers at users ng shabu na sumuko na lamang sa mga awtoridad at mangakong iiwanan na nila ang kanilang masamang gawain.
(Malu Cadelina Manar)

comments