Home » News » News Roundup » Ex-con sinaksak ng 60 beses

Ex-con sinaksak ng 60 beses

Tinadtad ng saksak ang isang ex-convict sa Port Area, Manila noong Huwebes. Kinilala ang biktima na nagtamo ng 60 saksak sa katawan na si Alfredo Dalora, 28, isa umanong miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang at residente ng Baseco Compound, Port Area.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Jorlan O. Taluban, may hawak ng kaso, nagkaroon ng alitan ang biktima at kanyang asawa bago ang insidente.

Lumabas ang biktima at natagpuan ang kanyang bangkay na may tadtad ng saksak sa katawan makaraan ng ilang oras sa Baseco Compound.

Dinala ang biktima ng mga barangay tanod sa ospital kung saan siya idineklarang patay. Hinala ni Taluban na sinaksak ng dalawang tao at icepick at patalim ang ginamit sa biktima.

Napagalamang kilabot na holdaper ang biktima sa Baseco at nakulong dahil sa droga. Iniimbestigahan na ang insidente. (Analou de Vera)

comments