Home » Sports » ‘Para kay Mike’

‘Para kay Mike’

Iniuwi ng Team Sportswriters ang pinakaunang panalo sa pagsisimula ng 2016 Friendship Cup – Para Kay Mike Basketball for a Cause Tournament matapos biguin ang koponan ng Philippine Sports Commission, 66-45, Miyerkules ng gabi sa makasaysayang Rizal Memorial Coliseum.

Umiskor ng 10 sa kanyang kabuuang 20 puntos sa ikatlong yugto si Cedelf Tupaz ng Inquirer upang itulak palayo mula sa mahigpitang 20-13 iskor ang Sportswriters tungo sa panalo sa torneo na hangad makatulong sa pagkalap ng pondo para sa pagpapagamot ng manunulat na si Mike Lee ng pahayagan na Bandera.

comments