Home » News » News Roundup » Drayber natagpuang patay

Drayber natagpuang patay

Natagpuang patay at nakabitin sa puno ang isang drayber sa Quezon City noong Biyernes. Kinilala ng Quezon City Police District ang biktima na si Francisco Ner III, residente ng Binangonan, Rizal, at drayber ng isang kumpanya sa East Berkeley St., California Village, Barangay San Bartolome.

Natagpuan ang bangkay ng biktima ni Jose Lutab, isang building caretaker, pagkagising niya na nakabitin sa isang puno at may itim na kawad na nakapulupot sa kanyang leeg.

Kaagad na ipinagbigay alam ni Lutab ang kanyang nakita sa mga otoridad. Walang nakitang anumang bali o sugat sa katawan ng biktima maliban sa marka ng kawad sa kanyang leeg.

Hindi na ipinasuri ng pamilya ang katawan ng biktima dahil kumbinsido silang nagpakamatay siya sa dahilang hindi ipinaalam ng mga pulis. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments