Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Kris feeling host ng Marian show

Kris feeling host ng Marian show

Marian and Kris

INABANGAN ang guesting ni Kris Aquino sa “Yan ang Morning.” ‘Kaaliw si Kris dahil nu’ng una, feeling host siya at tanong nang tanong kay Marian Rivera na siyang host ng YAM.

“Parang ako ang host (laughs),” ani Kris. In fairness, magaling talagang host si Kris.

Inamin niyang tsismosa siya at sinabihan daw siya ng sisters niyang huwag siyang magkukuwento tungkol sa kapatid nilang si ex-President Noynoy Aquino.

Ngayong may bago nang presidente, ani Kris, dapat ay suportahan si President Rodrigo Duterte. Ganu’n naman ang dapat gawin ng lahat ng mamamayang Pilipino. Magkaisa sa pag-suporta sa bagong administrasyon tungo sa pagbabago.

Ayon pa kay Kris, love niya ang AlDub tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza. Never pa niyang na-meet in person si Maine pero ani Kris, natutuwa siya sa pang-spoof nito sa kanya. Aniya pa, okey sa kanya kapag maganda ang nanggagaya sa kanya.

Na-meet na niya si Alden nu’ng nagkita sila sa isang event. Nilapitan daw siya nito at nagpakilalang siya si Alden Richards.

Gandang-ganda si Kris sa anak nina Dingdong Dantes at Marian na si baby Zia. Joke niya kay Marian, hihintayin ng anak niyang si Bimby si baby Zia. Ten or eleven years old si Bimby, magse-seven months old pa lang si baby Zia. Ninang sa kasal nina Dingdong at Marian si Kris at kapag nagkatuluyan sina Bimby at Zia, magiging mag-balae sila. Joke! Joke! Joke!

Naikuwento rin ni Kris ang bakasyon nilang mag-iina abroad, kasama ang isang yaya. Tumutulong sina Joshua at Bimby sa household chores. Siya (Kris) ang nagluluto, si Joshua ang naglalabas ng basura at tumutulong din ito sa paglalaba.

Si Bimby naman ang taga-hugas ng mga pinggan.

Nang tanungin siya ni Marian kung sino ang parati niyang ka-text, natameme si Kris. Aniya, ang mga anak lang niya ang nakakabasa ng text messages sa kanya. Hindi niya pwedeng i-share sa ibang tao maliban kina Joshua at Bimby kung sino ang nagte-text sa kanya.

Mapanindigan kaya ’yun ni Kris? Abang-abang nalang tayo at baka one of these days ay may bagong pasabog si Kris.

Hindi ba, may pahiwatig siya sa social media na ready na siya to love and be loved?

Sayang at hindi naitanong ni Marian kay Kris kung lilipat na ba siya sa GMA o mananatili siya sa ABS-CBN? O, sinadyang hindi tanungin ’yun ni Marian? O, napag-usapan nila ’yun ni Kris bago sila mag-taping na huwag siyang tanungin tungkol du’n?

Clueless

Clueless si Keempee de Leon kung bakit tinanggal siya sa “Eat Bulaga.” Post niya sa social media, four months na siyang wala sa naturang noontime show. Hindi niya alam kung bakit dahil walang memo siyang natanggap, walang explanation.

He deserves an explanation, hindi ba naman? Si Paolo Ballesteros, suspended for six months dahil nag-post siya sa social media ng hindi magagandang salita noong hindi siya naasikasong mabuti sa isang out-of-town event. Nagmaldita at nag-attitude siya.

Isa pang matagal nang missing in action sa “Eat Bulaga” ay si Sam Y.G. Tinanggal na rin kaya siya or suspended? Bakit?

May tsansa

Inamin ni Jessy Mendiola sa “Tonight with Boy Abunda” na lumalabas sila ni Luis Manzano. Ani Jessy, hindi naman nila ma ide-deny dahil nakikita at nakikilala sila sa mga lugar na pinupuntahan nila. Minsan, grupo silang lumalabas, ayon pa kay Jessy.

Nang tanungin siya ni Boy kung nanliligaw ba si Luis, “Ewan ko sa kanya. Siya nalang ang tanungin n’yo,” sagot ni Jessy.

Nang tanungin siya ni Boy kung may tsansa bang sagutin niya si Luis, “Oo naman!,” walang kagatul-gatol na sagot ni Jessy. “He is a good guy. Any girl would be lucky to have him. Kaya Lucky ang pangalan niya,” sabi pa ni Jessy.

Kailan naman kaya magpapakatotoo si Luis sa nararamdaman niya kay Jessy?

Nagkaayos na

Inilibing na kahapon sa Loyola Memorial Park Paranaque si Eddie Boy “Buboy” Villamayor.

Naging daan ang kamatayan niya sa pagkakasundo ng kapatid niyang si Nora Aunor at ng mga anak nitong sina Lotlot at Ian de Leon. Dumalawsilasaburolngkanilang uncle Buboy. Nawala na ang tampo sa kanila ni Nora.

Nagkatampuhan din pala ang mag-pinsang Nora at Maribel “Lala” Aunor. And yet, inasikaso pa rin ni Lala ang pinaglibingan kay Buboy. Sana, kasabay ng libing ni Buboy ay nailibing din ang tampo ni Nora sa kanyang mga anak at pinsan. Harinawang tuluy-tuloy na an gpagkakaayos ng pamilya ni Nora.

comments