Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Motorsiklo sumalpok sa bus, 2 patay

Motorsiklo sumalpok sa bus, 2 patay

GUINAYANGAN, Quezon – Dalawa katao ang patay at isa ang sugatan matapos sumalpok ang tatlo sakay ang isang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa kahabaan ng Quirino Highway.

Kinilala ang mga nasawi na sina Carlo Meullo, 25-anyos at Cristel Capito Salalila, 30-anyos at isang billing and collection employee ng Clean Way Corp. nasaktan naman ang kasama ng mga ito na sina Robert Rodriguez Maravilla, 30-anyos, single at isang business consultant.

Napag-alaman na binabagtas ng tatlo ang isang palikong lugar ng Quirino Highway kung saan nag-overtake ito sa isang sasakyan.

Dito na nila nakasalubong ang Manila-bound RSL Passenger Bus na minamaneho ni Reyvin C. Cañedo, 51-anyos. Dinala ang tatlo sa Magsaysay Memorial Hospital sa Lopez town kung saan namatay sina Meullo at Salalila habang ginagamot sa parehong ospital si Maravilla. (Danny J. Estacio)

comments