Home » News » News Roundup » No. 1 tulak ng Caloocan todas

No. 1 tulak ng Caloocan todas

Patay ang tinaguriang No. 1 drug pusher sa Caloocan City sa isang shootout noong Biyernes. Kinilala ang suspek na si Elmer Nicdao, 45, ng Barangay Bagong Silang, Caloocan.

Sugatan naman ang kasama ng suspek na si Aljen Jaquines, 28, isang pulis na natanggal sa serbisyo dahil sa droga at residente ng Barangay Longos, Malabon City.

Ayon sa mga pulis, nakatanggap sila ng impormasyon na dumating sina Nicdao at Jaquines sa Lapu-Lapu St., Barangay Bagong Silang at parang may hinihintay.

Dumating ang mga pulis pero pinaputukan sila ng mga suspek. Gumanti ng putok ang mga pulis at namatay ang mga suspek pagkaraan ng 10 minuto.

Narekober sa mga suspek ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P50,000. (Jel Santos)

comments