Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Mag-ama patay sa tama ng kidlat

Mag-ama patay sa tama ng kidlat

PAGUDPUD, Ilocos Norte – Patay ang mag-ama nang tamaan ng kidlat habang nagsasaka sa Barangay Burayoc, Pagudpud, Ilocos Norte Lunes ng hapon.

Ayon sa pulisya, hindi na umabot ng ospital sina Ferdinand Pelaracio, 47-anyos at anak nito na si Freddie dahil sa tindi ng sunog sa iba’t ibang parte ng katawan matapos tamaan ng kidlat habang nagtatanim sa kanilang sakahan.

Sa ngayon ay patuloy ang pagbibigay warning ng kinauukulan dahil sa dalas ng pagtama ng kidlat sa kanilang lugar.

Bago ito, tatlong magsasaka ang namatay na dahil din sa parehong insidente. (Freddie G. Lazaro)

comments