Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Sino ang GF ni Alden?

Sino ang GF ni Alden?

Alden

Rustom Padilla-Carmina Villarroel part 2 sina Ian King at Joey Mead. Nag-out na ang husband ni Joey at isa nang transwoman si Ian na Angelina (Angie for short) ang pangalan ngayon.

Queen na ngayon ang dating King na suportado ni Joey ang pagiging transwoman ng kanyang asawa. Matagal na raw alam ni Joey na gano’n ang asawa niya.

‘Yun ang kaibahan nila ni Carmina na matagal bago nito nalaman na “girlie-girlie” pala ang pinakasalan nitong si Rustom Padilla na BB Gandanghari na ang name since nag-out ito sa PBB House a few years ago. “Pinatay” ni BB si Rustom.

Kung agad natanggap ng pamilya ni Ian, este Angie ang pag-out niya bilang transwoman, it took a while bago natanggap ng pamilya ni BB Gandanghari ang pag-out niya.

Sino naman kaya sa mga pinagdududahang male celebrity ang susunod na magkakalakas ng loob na mag-a-out na beki o transgender siya?

Si Ian, este Angie ay nakakatandang kapatid ni Atticus King, ex-boyfriend nina Iza Calzado at Bubbles Paraiso. Owner ng chain of hotels ang kanilang pamilya.

Nangangailangan ng tulong

Nag-post ang isang concerned netizen sa social media ng picture ng dating character actor na si Dick Israel.

Inilabas ito ng PEP at kahabag-habag ang itsura nito. Mahaba ang puting balbas na halatang may sakit. Parang sa isang maliit na bahay nakatira si Dick.

Ibang-iba ang itsura niya noong kasikatan niya bilang isang character actor na madalas kontrabida sa mga pelikula noon ng mga yumaong actor na sina Fernando Poe, Jr. at Rudy Fernandez. Brusko, matapang, maangas at parang hindi pahuhuling buhay ang dating ni Dick.

Nangangailangan ng financial help si Dick na nasunugan ng bahay kamakailan sa Bgy. 144 Evangelista street, Bagong Barrio, Caloocan City. Six years ago ay na-stroke si Dick, na-paralyze siya at naapektuhan ang kanyang pananalita.

Sa mga dating kasamahan ni Dick sa showbiz noong aktibo pa siya, nawa’y may mga mag-magandang loob na tulungan siya, gaya ng ibang mga “kapatid” sa showbiz na nangailangan noon.

Pa-cute

Inamin ni Maine Mendoza noong presscon ng “Imagine You & Me” na nagka-boyfriend na siya. Walang nag-follow-up question kung kailan at kung ilang taon sila together ng ex-boyfriend niya.

Hindi natanong ang leading man niyang si Alden Richards kung nagka-girlfriend na ito. Bakit nga ba, walang nagtanong?

Pero sa napanood naming life story ni Alden na itinampok sa “Magpakailanman,” nagka-girlfriend siya. Hindi pa siya artista noon at tila high school pa lang si Alden.

Noong nag-showbiz na siya, wala pang napabalitang naging girlfriend niya, showbiz or non-showbiz. Hanggang crush lang si Alden at naging vocal siya noon na si Sam Pinto ang crush niya. Nag-set-up pa nga ang GMA7 ng date nina Alden at Sam sa isang yate, na kung tama ang pagkatanda namin, Valentine date ‘yun.

Nag-assume naman si Rita Iringan na naging Rita de Guzman na nagpalit uli ng showbiz name, nakalimutan namin kung ano, sa pagiging close (raw) nila noon ni Alden. But then, deadma lang si Alden.

Sa presscon ng “Imagine You & Me,” pa-cute, pa-fall ang sagot ni Alden nang tanungin tungkol sa estado ng relasyon nila ni Maine. Nang tanungin ang Pambansang Bae kung naghahanap ba siya ng magiging girlfriend, “Bakit pa ako maghahanap, kung nahanap ko na?” hirit ni Alden. Pero hindi naman niya diretsang masabi kung “sila” na nga ni Maine.

Anyway, watch na lang kayo ng kilig pa more moments nina Alden at Maine sa “Imagine You & Me” na showing sa July 13 nationwide.

Magkarelasyon na

Sa “Once Again,” maiinis si Celeste (Thea Tolentino) sa nalamang magkarelasyon na sina Aldrin (Aljur Abrenica) at Des (Janine Gutierrez). Makakarating sa lake sina Aldrin at Des. Sisisid sa dagat si Aldrin at makikita niya ang kotse ni Reign at kalansay ng dalawang tao.

comments