Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Girl, 3, nabundol ng van

Girl, 3, nabundol ng van

GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Namatay ang isang tatlong taong gulang na bata noong Martes, matapos itong mabunggo ng isang van sa Gen. Trias,Cavite ayon sa police report ngayong Miyerkules.

Ayon kay PO3 Rommel R. Taal, isang imbestigador, kinilala ang bata bilang si Princess Angela Aledon Corot, isang residente ng Vill de Palms, Bagong Silang, General Trias.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo si Corot at idineklarang dead on arrival sa ospital. Inaresto ng mga pulis si Dennis Gannaban Pader, 35, isa ring residente ng Vill de Palms, Bagong Silang, ang drayber ng Toyota Hi-Ace van na may plate number WIY 862.

Ayon kay PO3 Taal, nabundol ng van ang batang si Corot bandang 11:40 ng umaga. (Anthony Giron)

comments