Home » Entertainment » Jennylyn tanggap ang pagkatalo kay Jessy

Jennylyn tanggap ang pagkatalo kay Jessy

Jennylyn

SPORT lang ang Ultimate Star na si Jennylyn Mercado sa pag-congratulate niya kay Jessy Mendiola dahil ito ang hinirang na Sexiest Woman ng FHM Philippines.

Last year ay si Jennylyn ang may hawak ng naturang titulo, pero sa taong ito ay pumangalawa siya kay Jessy.

“I’m happy for her kasi si Jessy naman, nakikita naman natin kung gaano siya ka-voluptuous ‘di ba?

“Lahat naman tayo, may kanya-kanyang kasexy-han.

“Si Jessy, you can tell she’s sexy dahil sa attitude niya, ‘yung kanyang hubog, confidence niya.

“Depende ang sexiness sa pagdadala ng tao, eh.

“’Yung iba, nagiging sexy dahil sa humor nila. ‘Yung iba, nagiging sexy dahil sa attitude nila,” ngiti pa niya.

Nagpapasalamat pa rin si Jennylyn dahil sa suporta na binigay ng kanyang mga fans.

Alam niyang marami sa kanyang mga fans ang hindi pabor sa pagkapanalo ni Jessy.

Pinapaalala lang ni Jen na hindi sa lahat ng panahon ay Number One ang isang tao.

“Naku, alam mo naman ‘yung mga supporters natin ‘di ba? Gusto nila palagi tayo ‘yung masaya, manalo, laging Number One.

“Pero hindi naman lahat ng oras, nakukuha natin ‘yung spot na ‘yun.

“Pabayaan naman natin na may ibang makakuha. Sila naman ang mag-shine.

“I had my chance last year kaya okey na ’yon. Iba naman ang makaka-experience no’n.”

Looking forward si Jen para sa annual victory party ng FHM. Susubukan daw niyang makarating para personal siyang makapagpasalamat sa maraming bumoto sa kanya.

“’Di ba every year, meron tayong fashion show ng FHM?

“Ako, I’ll try to make it… Kung meron akong mabibigay na schedule, kung meron akong opportunity to walk, bakit hindi?” diin pa niya.

Pumirma ulit ng exclusive contract si Jennylyn sa GMA-7. Kaya nananatiling Kapuso siya kahit na may balitang kumalat na lilipat na siya ng ibang TV network.

“GMA-7 is my home. Thirteen years na akong artista ng GMA-7 at hindi ko nakikita ang sarili ko na nasa ibang tahanan.

“Nagsimula ako sa GMA-7 at wala akong reklamo sa mga projects na binibigay nila sa akin. Solid Kapuso tayo!”

Si Jennylyn Mercado ang kauna-unahang Female Ultimate Survivor ng unang season ng reality-based artista search na “Starstruck” noong 2003. (RUEL J. MENDOZA)

comments