Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Suspek dedo sa ganting putok

Suspek dedo sa ganting putok

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Patay ang hinihinalang gunman matapos gantihan nang putok ng vice mayor na sugatan matapos barilin ng suspek sa likod ng bahay sa Sitio Poblacion, Barangay Adams, Adams town noong Martes ng gabi.

Kinilala ni Chief Inspector Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte police office, ang sugatang opisyal na si Vice Mayor Eric Bawingan, 45, dating alkalde ng Adams town.

Samantala, kinilala naman ang hinihinalang gunman na namatay sa insidente na si Jun Valencia, resident eng Sitio Malaggao, Baranggay Adams, Adams town.

Ayon sa ulat, naganap ang barilan bandang alas-9 ng gabi. Sinasabing nakikipag-usap lamang ang bise alkalde sa sa mga anak habang nanonood sa telebisyon nang biglang dumating ang suspek at binaril siya gamit ang kalibre .9mm.

May tama ng bala sa ibabang bahagi ng dibdib ang bise-mayor pero nagawa pa rin niyang kuhanin ang baby M-16 armalite rifle at gumanti ng putok sa suspek. (Freddie G. Lazaro)

comments