Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Suspek nang-agaw ng baril, tiklo

Suspek nang-agaw ng baril, tiklo

CAMP OLIVAS, PAMPANGA – Patay ang isang arestadong suspek matapos barilin ng kanyang police escort dahil sa diumanong pag-agaw nito ng service pistol nang isa pa niyang police escort habang papunta sa kulungan noong Martes ng gabi sa Bulacan.

Kinilala ni Chief Supt. Aaron N. Aquino, direktor ng Police Regional Office (PRO3), ang napatay na suspek na si Marvin Gomez, may-asawa at residente ng barangay Malimpampang, San Ildefonso, Bulacan.

Sa ulat ni Senior Supt. Romeo M. Camarat Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP kay Aquino, naganap ang engkwentro bandang 7:30 p.m. noong Hulyo 5 sa barangay Anyatam, San Ildefonso, habang hinahatid si Gomez sa San Ildefonso municipal police station (MPS) matapos hulihin dahil sa pagtutulak ng droga sa isang poseur buyer.

Habang nasa biyahe, inagaw ni Gomez ang service pistol ni PO2 Christpoher Valenton at binaril ang pulis nang dalawang beses. Ayon sa ulat, nakaligtas naman si Valenton dahil nakasuot ito ng bullet proof vest. (Franco Regala)

comments