Home » News » News Roundup » 5 huli sa shabu session

5 huli sa shabu session

Diretso sa kulungan ang limang katao nang mahuli sila ng anti-drugs operatives ng Valenzuela City Police sa aktong sumisinghot ng shabu sa isang apartment sa Barangay Malinta bandang 3 a.m. noong Miyerkules.

Kinilala ng pulisya ang mga inaresto na si Alexander Panga, ang kanyang kapatid na si Arwin, live-in partners Rowina Galicia at Bernardino Pasadas; at Dowie Galbano. Ayon sa police, itinanggi ni Galicia na kasama siya sa shabu session dahil natutulog siya nang dumating ang mga alagad ng batas sa apartment.

Inamin naman niya na gumagamit talaga siya ng bawal na gamot para manatili siyang gising habang naghahanap buhay sa gabi sa isang factory.

Sa kabila ng kanyang pagtanggi, isinama pa rin si Galicia sa mga taong kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Ed Mahilum)

comments