Home » Entertainment » Tom separated from Carla

Tom separated from Carla

Lovi Poe

Sorry na lang ang TomCar fans nina Tom Rodriguez at Carla Abellana na nag-re-request ng isang project na muling pagtatambalan ng kanilang mga idolo. Nganga ang fans dahil kasado na ang bagong primetime series ni Tom sa GMA7.

Hindi si Carla ang kanyang leading lady, kundi si Lovi Poe. Tampok din si Max Collins. Pinamagatang “Someone to Watch Over Me,” mapapanood na ang upcoming primetime series next month. Nag-story conference na at gaganap si Tom bilang isang may Alzheimer’s disease.

First time ever na gaganap si Tom sa ganoong role, kaya aniya, sobrang happy at excited siya. Big challenge sa kanya kung paanong atake ang gagawin niya sa karakter na ipinagkatiwala sa kanya. (Rowena Agilada)

comments