Home » Entertainment » Matet stands by Nora no matter what

Matet stands by Nora no matter what

Isang linggo nang nailibing si Eddie “Buboy” Villamayor, bunsong kapatid ni Nora Aunor. Pero may mga kuwento pa rin kaming naririnig. Dumalaw si Lotlot de Leon sa burol ng kanyang Uncle Buboy, pero hindi na siya nakipaglibing. Duda ng ibang tao, hindi pa ganap nagkaayos sina Nora at Lotlot. Tila raw, may tampuhan pa sa pagitan ng mag-ina. Ayon pa sa kuwentong nakarating sa amin, hindi dumalaw si Janine Gutierrez (anak ni Lotlot) sa burol ng kanyang Lolo Buboy.

Sa mga ampong anak ni Nora, mapupuri si Matet de Leon. Kahit ano’ng mangyari, parati siyang nakasuporta sa kinikilala niyang ina. Bukod kina Lotlot at Matet, may dalawa pang ampon si Nora, sina Kiko at Kenneth.

No show rin sa burol ni Buboy ang ex-husband ni Nora na si Christopher de Leon, pati ang former ka-love team niyang si Tirso Cruz III at ang kaibigan at kumare niyang si Congresswoman Vilma Santos-Recto. Ni wala man lamang daw padalang bulaklak, sympathy card o mass card ang mga ito.

Wala raw malalaking artista at personalidad ang dumalaw para makidalamhati kay Nora. Maybe, kung kasikatan pa ni Nora, star-studded ang burol ni Buboy.

comments