Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Angel, ok pa rin kay Edu

Angel, ok pa rin kay Edu

Edu Manzano

Kahit break na sina Luis Manzano at Angel Locsin ay maganda pa rin ang turingan ng aktres at ng daddy ni Luis na si Edu Manzano.

Sa kanyang social media account ay pinasalamatan ni Angel si Edu sa mga pasalubong nito na souvenir magnet. Galing sa New York si Edu.

Ani Angel, nadagdag sa kanyang koleksiyon ang pasalubong na souvenir magnet mula sa kanyang Tito Edu. Anak ang tawag ng huli sa aktres. Bibilhan daw niya muli si Angel ng souvenir magnet sa lahat ng lugar na pupuntahan niya.

“You’re welcome anak. Now, I know to look for new ones sa lahat ng pupuntahan ko. Stay healthy,” ang kabuuang post ni Edu sa kanyang social media account.

Ang mommy kaya ni Luis na si Congresswoman Vilma-Santos-Recto, anak pa rin kaya ang turing kay Angel?

Sina Maru at Ali Sotto, parents ng first boyfriend ni Angel na si Miko Sotto, kahit matagal nang patay ang huli ay maganda pa rin ang turing ng mga ito kay Angel. Kahit nagkaroon ng ibang boyfriends (Oyo Sotto, Luis Manzano at Phil Younghusband) si Angel, hindi nagbago ang pagtingin nina Maru at Ali sa aktres.

What about Vic Sotto and Dina Bonnevie na mga magulang ni Oyo, gaya rin kaya nina Maru at Ali ang pagtingin nila kay Angel? Just asking!

No problem

Bakit ba kasi pilit ginagawan ng anggulo na diumano’y nagkakalabuan ang relasyon nina Janine Gutierrez at Elmo Magalona? Kapag tinatanong ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon, consistent sila sa pagsasabing okey sila,

comments