Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Babae ligtas sa sablay na baril

Babae ligtas sa sablay na baril

CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Masuwerteng nakaligtas ang isang hinihinalang lady drug pusher nang maka-alpas ito sa mga nagtangka sa kaniyang buhay Linggo ng hapon.

Masayang naglalaro ng bingo ang biktima na si Liza Hermentera Lopez, 37-anyos at residente ng Brgy. Diversion sa San Leonardo, Nueva Ecija kasama ang mga kapatid at kaibigan nang pagtangkaan itong barilin ng isang riding-in-tandem na mga salarin.

Tinutukan umano ng baril si Lopez na hindi naman pumutok, dahilan para makatakbo ang biktima at mga kalaro nito. Hinabol pa ng mga suspek si Lopez at pinaputukan ngunit hindi naman tinamaan ang biktima.

Dahil dito ay dali-dali na lamang na tumakas ang mga naka-helmet na mga suspek patungo sa direksyon ng Brgy. Tambo Adorable sa San Leonardo.

Nakuha sa lugar ng krimen ang tatlong bala ng caliber .45 at sampung basyo ng caliber 9mm bukod pa sa isang live ammunition ng caliber 9mm. Samantala 19 na katao na sinasabing nasa drug list ang napatay na sa Nueva Ecija simula July 1. (Franco G. Regala)

comments