Home » News » News Roundup » Tulak ng droga itinumba

Tulak ng droga itinumba

Isang hinihinalang drug pusher na kalalabas lamang ng kulungan ang itinumba ng dalawang armadong lalaki sa harap ng kanyang tahanan sa Caloocan City, Linggo ng gabi.

Base sa police report, maghahapunan na sana ang biktimang si Lloyd Santos malapit sa bakod ng kanyang bahay sa Bagong Silang nang biglang sumulpot ang dalawang lalaki at pinaulanan siya ng bala gamit ang .45-calbier pistol.

Namatay noon din ang biktima dahil sa dami ng balang tumama sa katawan.

Ayon kay Jay-ar Santos, kapatid ng biktima, nakulong si Lloyd dahil sa illegal drugs ngunit pansamantalang pinalaya noong isang buwan matapos na makapagpiyansa.

Inamin niya na nasangkot ang kanyang kapatid sa drug pushing at nakatakda na sanang sumuko sa awtoridad para sa kanyang rehabilitation. (Ed Mahilum)

comments