Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Ian, hiwalay na rin sa asawa?

Ian, hiwalay na rin sa asawa?

Ian Veneracion

Opening Day ngayon sa mga sinehan nationwide ng first solo movie nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang “Imagine You & Me.” More than ever, ngayon dapat patunayan ng ALDub fans ang kanilang suporta sa kanilang mga idolo.

Sana kung gaano sila kasi pag sa social media ng pag-suport anila sa AlDub love team, mag-effort din silang manood ng solo movie nina Alden at Maine. Break or make ito sa love team ng Pambansang Bae at Yaya Dub.

Magkakaalaman na kung sila talaga ang hottest love team sa Philippine Showbiz. Huhusgahan na kung kaya na ba talaga magdala ng pelikula nina Alden at Maine.

Faithful husband

Kay Luis Manzano nali-link si Jessy Mendiola, pero bakit biglang may lumutang na tsika na diumano, si Jessy ang dahilan ng hiwalayan ni Ian Venaracion and his non-showbiz wife na si Pam Gallardo? Nakaka-puzzle dahil wala naman silang project na magkasama para isiping bahagi lang ‘yun ng promotion.

Kasasabi lang ni Jessy sa isang TV interview na may tsansang sagutin niya si Luis kapag nanligaw ito sa kanya. Then, biglang may tsikang diumano’y si Jessy ang third party sa hiwalayan (daw) ni Ian and his non-showbiz wife.

Noong promo period ng “The Achy Breaky Hearts,” inamin ni Jodi Sta.Maria na break na sila ni Cavite Vice-governor Jolo Revilla. Si Ian Veneracion na kasama ni Jodi sa movie ay nagsabing hindi pinagseselosan ng wife niya si Jodi.

Since nag-asawa si Ian, never na-link siya sa ibang babae. Faithful husband ang image niya. Nakakagulat na biglang na-involve si Jessy sa relasyon ng mag-asawang Ian at Pam. Ano ‘yun? Bakit? May kailangan bang ipaliwanag sina Ian at Jessy?

Girlfriend sa dilim
part 2?

Kim Rodriguez part 2 kaya si Barbie Forteza? Si Kim ang unang showbiz girlfriend ni Kiko Estrada. That time na together pa sila, si Kim ang mas vocal sa kanilang relasyon. We remember one time nang tanungin namin siya sa estado ng relasyon nila ni Kiko, hindi nag-deny ang dalaga.

Kilig-kiligan pa si Kim. Pati ang mga regalo nila sa isa’t isa, ibinahagi niya sa amin. Sa isang event, magkasama sina Kim at Kiko, sweet-sweetan at magka-holding hands pa silang lumapit sa amin at ibang press people. Nag-beso-beso sila.

Kapag si Kiko ang tinatanong tungkol sa estado ng relasyon nila noon ni Kim, paduda effect pa siya. Kesyo, friends lang sila ni Kim.

Si Barbie ang girlfriend ngayon ni Kiko. Hindi rin niya diretsang maamin ang totoong namamagitan sa kanilang relasyon kahit na una nang umamin si Barbie. Ano kayang reaction ng huli? May nagbabawal kaya kay Kiko na amining girlfriend niya si Barbie?

Kawawa naman si Barbie. Girlfriend sa dilim na naman ba siya tulad ni Kim? First boyfriend pa naman ni Barbie si Kiko at proud ever pa siyang aminin. Hindi kaya sumigaw si Barbie ng “It’s unfair!”

comments