Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lalaki tepok sa mini-bus

Lalaki tepok sa mini-bus

CAMP GENERAL SIMEON OLA, Legazpi City – Patay ang isang drayber ng motorsiklo matapos itong araruhin ng isang mini-bus habang labing-isa naman ang sugatan sa banggaan ng apat na sasakyan sa kahabaan ng national highway ng Brgy Salvacion sa lungsod ng Daraga sa probinsya ng Albay, Miyerkules ng umaga.

Kinilala ng tagapagsalita ng Police Regional Office-5 (PRO-5) na si Senior Insp. Malu Calubaquib ang namatay na si Marvin Dado, 48-anyos at residente ng Oro Site, Legazpi City.

Ayon sa imbestigasyon, habang binabaybay ng biktima, na may sakay na hindi pa nakikilang babae, ang highway patungong Daraga proper nang bigla silang banggain ng isang Mitsubishi passenger mini-bus kasabay ng isang pampasaherong dyip na minamaneho ni Johnson Montenegro, 50-anyos, residente ng Caloocan City.

Pinaghahahanap pa rin hanggang ngayon ng pulisya ang tumakas na driver ng mini-bus. (Niño Luces)

comments