Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 guro pinaslang sa Cotabato

2 guro pinaslang sa Cotabato

COTABATO CITY – Patay ang dalawang public school teachers nang paputukan sila ng isang riding-in-tandem habang nakasakay sa isang pampasaherong traysikel sa Cotabato City, Martes ng Hapon.

Pauwi na ang mga nasawing sina Fahara Kabuntalan, 29-anyos, at Sittie Usop Abdullah, 31-anyos, na parehong nagtuturo sa Mokamad Ali Elementary School sa Brgy. Tamonka nang sila’y pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa kahabaan ng Purok Talainged, alas 4:30 ng hapon.

Sugatan naman ang isa pang pasahero na si Aisah Karon Malugka, 34-anyos at ang mismong drayber ng traysikel na si Fahad Abdulwahid Abdullah, 21-anyos, na pinaniniwalang main target ng mga suspek.

Iniulat ni Chief Inspector Rustom Pastolero ng police precinct III na maski ang mga testigo sa engkwentro ay hindi nakilala ang mga suspek dahil naka-ski masks daw ang mga ito nang tumakas gamit ang isang pulang motorsiklo.
(Ali G. Macabalang)

comments