Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Rebelde nang-harang ng mga sasakyan

Rebelde nang-harang ng mga sasakyan

BUTUAN CITY – Mahigit kumulang 50 armadong lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng guerilla-Front Committee 14 of the CPP-NPA Northeastern Mindanao Regional Committee (NMRC) ang nagsagawa ng roadblock habang pinasabugan naman ang isang container van na puno ng mga sariwang saging sa kahabaan ng National Highway sa Purok 5 sa Barangay Consuelo, Bunawan, Agusan del Sur, Martes ng umaga.

Ayon sa ulat mula sa Agusan del Sur Police Provincial Office, alas-10 ng umaga nang pigilan ng mga rebelde ang lahat ng sasakyan, kasama ang nabanggit na van na patungo sana sa Davao City na umabot ng halos labing-limang minuto.

Naghahanap daw di umano ng mga sundalo ang mga rebelde sa bawat sasakyang kanilang pinigilan. Narekober sa crime scene ang 28 fired cartridge cases na naglalaman ng AK-47 rifle at limang cartridge cases na naglalaman ng M16 rifle. (Mike U. Crismundo)

comments