Home » Entertainment » Rhian tries sexy role, does cover for men’s mag

Rhian tries sexy role, does cover for men’s mag

Muling nag-bounce back si Rhian Ramos pagkatapos dumaan sa maraming pagsubok ang kanyang personal and professional life.

Sinimulan niya noong magbida sa isang lesbian-themed teleserye last year na “The Rich Man’s Daughter”. Ngayon ay muli siyang nagbibida sa bagong teleserye na “Sinungaling Mong Puso”.

Sa TV version ng 1992 film na pinagbidahan ni Vilma Santos ay mas magi-ging daring raw ang role ni Rhian bilang si Clara.

Kaya required ng kanilang director na si Ricky Davao na maging fit ang kanyang mga artista dahil sa mga maiinit na eksena na meron ang teleserye.

“I’ve been preparing mentally for it naman. Since I got back from Europe, I’ve been running and dieting to keep myself in shape.

“Kasi ang mga kasama ko, mga gym buffs like si Rafael Rosell and Kiko Estrada. Nakakahiyang hindi ka in-shape, ‘di ba?

“Pero hindi naman super sexy ang teleserye namin. May mga scenes lang na pang-shock sa audience. We’re on the afternoon slot kaya kailangan pa rin kaming mag-ingat sa mga scenes. Nakabantay parati ang MTRCB,” diin pa ni Rhian.

This July ay cover girl si Rhian ng FHM magazine. First time siyang naging cover nito after ng ilang taong panliligaw sa kanya.

Nataon pa na nasa 5th spot siya ng FHM Sexiest Woman Top 100 list for 2016.

Naganap ang photo shoot ni Rhian for FHM sa isang garden estate sa France.

“I was only 17 when they first offered me to be on the cover. But I said no. Now, 7 years later, natuloy rin.

“Honestly I loved the way the pictorial came out. It came out better than the original plan. Nagre-branding din kasi ang magazine and they’re going to a new direction,” ngiti pa niya.

In a relationship ngayon si Rhian with a non-showbiz guy named Jason Choachuy na isang car racer.

Careful na ngayon si Rhian sa kanyang relationship pagkatapos ng bad experience niya with her ex-na sina Mo Twister at KC Montero.

“Jason is a private person. So let’s respect his privacy,” pakiusap pa ni Rhian. (Ruel J. Mendoza)

comments