Home » News » News Roundup » ‘Salvage’ victim itinapon sa Pasig

‘Salvage’ victim itinapon sa Pasig

Isang bangkay ng lalaki na pinaniniwalaang biktima ng “salvaging” ang natagpuan kahapon sa Pasig City. Base sa ulat na ipinadala sa Eastern Police District, ang biktima na nasa edad 40 hanggang 45, ay nakasuot ng t-shirt at brown na short pants nang matagpuan ng barangay tanod na si Deirk Abustan sa Luis St., Barangay San Miguel, Pasig City.

Nakabalot ng packaging tape ang mukha at nakatali ang mga kamay ng biktima, ayon sa police report. Na-recover sa tabi ng bangkay ang walong piraso ng basyo ng bala at isang piraso ng papel na may nakasulat na “Huwag akong tularan.

Ako’y pusher at holdaper.” Maaaring kagagawan ng isang vigilante group ang pagpatay sa naturang biktima, ayon sa police. (Madelynne Dominguez)

comments