Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pulis sugatan sa ambush

Pulis sugatan sa ambush

KIDAPAWAN CITY – Sugatan ang isang pulis matapos tamba-ngan ng pinaghihinalaang kamag-anakan ng walong Moro residents na napatay naman sa isa umanong buy bust operation kamakailan.

Tinamaan ng bala sa itaas na bahagi ng kaniyang kanang baywang habang sakay ng kaniyang motorsiklo sa kahabaan ng Matalan town ang biktima na si PO3 Ricardo Ibarra Sensis.

Dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklo ang itinuturo ng mga saksi na siyang bumaril kay Sensis na kasalukuyang nagpapagaling sa Kidapawan Medical Specialist Hospital.

Nakalap naman buhat sa mga civilian sources na ang insidente ay naganap bilang ganti ng walong Moro residents, tatlo dito ay mga kababaihan, na napatay noong July 9 sa isang drug raid ng elemento ng Region-12 Police Anti-Illegal Drugs Task Force, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Regional Public Safety Battalion (RPSB), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), at Special Action Force (SAF).

Nakuha umano sa nasabing raid ang isang cal. 45 pistol, .38 caliber revolver, apat na hand grenades, limang pinaghihinalaang shabu sachets at iba pang drug paraphernalia. (Ali G. Macabalang)

comments