Home » Entertainment » Solenn, ini-enjoy ang mister niya

Solenn, ini-enjoy ang mister niya

17Solenn Heussaff and nico instagram copy

Ine-enjoy ni Solenn Heussaff ang married life kasama ang kanyang mister na si Nico Bolzico.

Kahit nga raw busy ang schedule niya sa kanyang showbiz career ay hindi niya nakakalimutan ang kanyang wife duties gaya nalang ng pag pe-prepare at pagluluto ng pagkain para kay Nico.

“Ako, domesticated forever dahil pag wala akong trabaho, aside from going out with my friends, favorite ko talaga ang magluto. I love to cook talaga. So, every morning I wake up, I do the food. Minsan kung may time ako gagawa ako ng baon para sa kanya para he can bring it to work,” sabi ni Solenn.

Time management lang daw ang kailangan para mabalanse ang oras niya sa work at sa kanyang asawa. Very supportive at understanding din daw si Nico.

“Kasi gusto ko talagang mag-work. Kakayanin ko naman kasi gumigising ako nang maaga, 5 a.m. gising na ako everyday. I get to workout.’’

Samantala, ine-enjoy din ni Solenn ang pagiging bahagi niya ng “Encantadia”, na mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad simula sa July 18. Ginagampanan niya ang role ni Cassiopea. Enjoy daw siya kahit na minsan na hihirapan siya sa pag-intindi ng Tagalog lines niya pati Enca language sa script.

‘Noong makita ko ’yung lines, sabi ko hindi ko maintindihan. Although may translation din naman sa ilalim. Pero mas challenging actually at magiging exercise para sa brain. Enjoy naman ako kasi kakaiba ’yung set, lahat ng mga costumes, so feel mo talaga ’yung role mo.’’ (Glen P. Sibonga)

comments