Home » News » News Roundup » 2 pulis, kulong dahil sa extortion

2 pulis, kulong dahil sa extortion

Kalaboso ang bagsak ng dalawang pulis na nakatalaga sa Quezon City Police District (QCPD) Batasan Police Station 6 Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) matapos silang maaresto dahil sa extortion.

Base sa police report, nadakip sina PO1 Ronald Clarin at PO1 Edgard Allan Co sa isang entrapment operation na isinagawa sa likuran mismo ng Batasan Police Station 6 headquarters, alas-9 ng umaga kahapon.

Na-recover sa mga suspek ang P10,000 marked money na ginamit sa entrapment. Ayon kay Supt. Lito Patay, PS-6 commander, pumayag umano ang dalawang pulis na i-settle ang kaso ng isang nadakip na drug suspect kapalit ng P15,000 suhol. (Francis T. Wakefield)

comments