Home » Entertainment » Kylie admits BF is 5 years younger

Kylie admits BF is 5 years younger

Kylie Padilla

Nagkuwento ang Kapuso star at isa sa bida ng telefantasya na “Encantadia” na si Kylie Padilla tungkol sa isang nakakatuwang pag-uusap nila ng kanyang ama na si Robin Padilla.

Nagtanong nga raw si Robin tungkol sa nababalitang boyfriend ni Kylie na si Julian Trono. Napag-alaman ni Robin na 18-years old lang ito samantalang si Kylie ay 23-years old na.

“Sabi sa akin ni Papa, ‘Anak naman, masyado namang bata ‘yan!’

“Natatawang sinagot ko siya, ‘Hello, eh si Tita Mariel (Rodriguez) kaya?’

“Nagtawanan na lang kami ni Papa kasi pareho pala kaming mahilig sa mga mas bata sa amin! May pinagmanahan daw ako!”

tawa pa ni Kylie.

Simula noong matsismis si Kylie kay Julian noong nagkasama sila sa teleserye na “Buena Familia”, matipid siyang magkuwento tungkol dito.

Hindi raw sa pinagbabawalan siya dahil hindi na raw hawak ng GMA Artist Center si Julian, kundi maingat na raw si Kylie na magkuwento tungkol sa lovelife niya.

Hanggang ngayon kasi ay may emotional trauma pa rin siya sa nangyari sa kanila ni Aljur Abrenica.

“I just want to be quiet about it as much as possible.

“Hindi sa nagiging selfish ako. Pero I want to keep something for myself.

“Before kasi, I was pouring my heart out. Wala akong tinatago from you guys, ‘di ba? Then it happened nga na nag-break kami, kaya sobra akong na-trauma emotionally. It was a bad experience for me.

“Kaya with Julian, I want it to be normal lang. ’Yung wala masyado sa spotlight. Okey naman kami. May four weeks din kaming hindi masyado nagkita kasi I was busy with “Encantadia”. Grabe ang training namin kasi.

“Kapag may time ako, nagkikita kami and we bond over food. We would call our friends at lalabas kami para maka-unwind naman ako from working,” ngiti pa niya.

Sa “Encantadia” ay ginagampa-nan ni Kylie ang role na Amihan na original role ni Iza Calzado sa 2005 version ng naturang telefantasya. (Ruel J. Mendoza)

comments